Sabi mo walang EJK?

Dear Senator Dick Gordon,

Hindi ko alam kung matatawa ako o mayayamot sa mga paepal niyo sa pagkamatay ni Kian. Ipapaalala ko lang po ha. You headed the investigation of human rights abuse last year and you concluded it sabi niyo walang EJK. Eto po ang pirma niyo po oh. Kasama ni Panfilo Lacson and other Senators.

Kung inayos niyo lang sana ang trabaho niyo hindi na tayo aabot sa ganito.

Tapos ngayon ang dami niyong hirit?

Ang dami niyong kuda. You had your chance before kaya lang sa sobra niyong sipsip sa Presidente tinigil niyo ang committee hearing at sinabi niyo pa na wala naman talagang state sponsored killings. Kailangan pa ng isang Kian para marealized mo na hindi makatarungan ang kaliwat kanan na patayan.

Lopsided lang ang kaya mong sabihin sa kademonyohang ginawa?

Natawa ako sa “Senate will act. ” Di ba you acted na before tapos sabi niyo walang EJK?  So ano pa ang halaga ng mga sinabi mo ngayon?

Kung may mga dapat sisihin sa pagkamatay ni Kian, kasama po kayo dun. Dumadanak ang dugo araw-araw pero you chose to be silent. Ngayon na napuno na ang taong bayan, saka kayo nag paepal?  ENABLER  kayo, sampu ng mga kasama niyo sa Senado. Blood of Kian is in your hands.

Yamot sa Epal na Ipokrito,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *