Saan na nga ba ang Pilipinas Ngayon?

Dear Pinoy lalo na ang mga OFW buong mundo,

Sabay sabay nating talakayin kung saan na nga ba ang Pilipinas pagkatapos ng isang taon na panunungkulan ni Duterte. Isa isahin natin po ang mga aspetong nakaka apekto sa ating pang araw2x na buhay.

Sa mga taga NCR po, kumusta po ang byahe niyo sa MRT?  Eto ang araw2x niyong binatikos ang mga dilawan dati. May pagbabago po ba? Or mas lalo pa pong lumala?

Sa mga commuters, kumusta po ang traffic?  Nasolusyunan na po ba?  Sabi dati 100 days, naging 6 months, ilang araw na lang malapit na ang isang taon. Wala pa rin pong nangyayari.

Kumusta po ang presyo ng gasolina at bilihin?  Bumaba na po ba?  15 pesos na po ba ang kilo ng bigas? Magkano na po ang pamasahe sa jeep? Mas tumaas po no? Sa halagang 1000, ilan po ang nabibili nyo po?

Punta po tayo sa edukasyon, totoo bang free tuition lahat sa state university ang may mga kolehiyong anak? Wala po bang increase sa tuition fee sa administrasyong Duterte?

Punta tayo sa mga sundalo po. Nadoble na ba ang kanilang sahod? Yung mga teacher, doble na din po ba?

Nung kampanya palang pinangako na sa mga guro ang dobleng sahod. Natupad na po ba?

Atin naman talakayin ang peace and order. Sa tingin niyo after almost 12,000 na unsolved murder cases, safe pa ba ang Pilipinas?

Kamakailan lang hinirang tayo na kabilang sa mga pinakadelikadong tourist destination na bansa. Pang 11 po tayo. So I guess tatamaan ang ating turismo nito no?

Sa lahat ng patayan na nangyari na solve na ba ang problema sa droga? Di pa rin no?  Wala naman kasing hinuling drug lord eh. Pinakawalan pa nga eh.

Kumusta naman ang corruption?  Nakalaya na si Napoles no?  Abswelto si Aguirre sa bribed scandal. Ang kaso ni Cesar Montano nalimot na. Yung isang secretary na humihingi ng sapatos sa sponsor na mall, wala na din yun.

Sa amin na hindi bumoto kay Duterte expected na namin to, pero sa mga nagoyo ng pangako ni Duterte na pagbabago, kailangan singilin nyo sya sa pagbabago na sinabi niya. After all, yan ang mga reason kung bakit nyo siya binoto.

Sa mga OFW,  mas mararamdaman niyo ang pait pag nasimulan na ang pag tax ng remmitance niyo. At pag napirmahan na ang excise tax, makikita niyo na ang ipapadala nyo dito sa Pilipinas ay kakarampot na lang ang mabibili. Ang excise tax ay karagdagan na buwis sa petroleum products. Alam naman natin na pag tumaas ang tax ng gasolina, ipapasa nila to sa mga consumer at ang mahihirap ang apektado.

Malapit na tayong lumubog sa utang sa China, inangkin na nila ang territory natin habang pinapabayaan lang ito ng administration.

Kayo ang makakapagsabi na lahat ng sinabi ko ay hindi fake news. Ito ang katotohanan…

Mababago ang kapalaran ng Pilipinas, kung may magresign, may maimpeach OR may mamatay.  So habang wala pa,  kapit mga kapatid, isang malubak na daan ang tatahakin ng bansa.

Isang taxpayer,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *