Saan Makakarating ang P200?

Dear President Duterte,

Umaaray na ang taong bayan sa TRAIN. Bukod po sa pagtaas ng bilihin, tumaas din po ang contribution ng Philhealth. Resibo.

Tapos tataas din ang bayad sa kuryente.

Kasabay sa pagtaas ng maraming bilihin.

Bukod sa mahihirap nating mga kababayan, kawawa din ang mga Senior Citizen.

Pinagmamalaki niyo ang P200 monthly subsidy sa bawat pamilya na mahihirap? Luh, parang anim na puso lang yun at sisenta sentimos /P6.60 araw-araw.

Ni kulang pa yan sa pamasahe nila sa araw-araw sa jeep.

Paano kung anim sila sa pamilya? E di tag piso lang sila bawat isa? Ano yun tag isang kendi ang kakainin nila? Tapos sasabihin niyo hindi Anti-Poor ang Duterte Tax Scam mo? Wag nga ako. Ang pinapatay at ang kinakawawa mo lang ay ang mga mahihirap. Pag kaalyado at tsekwa abswelto.

Wala kayong awa.

Galit sa Berdugo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *