Sa Mundo Ng Public Service Mas Importante Ang Tumulong Kaysa Mapikon

Dear KaPAB,

Nakakatuwang isipin na kahit tapos na ang fund raising ni VP Leni Robredo, ay patuloy pa din ang nagpapaabot ng tulong na mga company through Office of the Vice President.

Eto ang statement ni VP Leni Robredo

[A] Nakakataba ng puso ang patuloy na pagdating sa ating Tanggapan ng mga tulong para sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Kamakailan lang ay naghatid ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng higit 22,000 na 10-kilo packs ng bigas, na kabilang sa relief assistance na ibinabahagi natin sa mga komunidad na nangangailangan.

Ang Lucky Me, nagpaabot naman ng 180,000 packs ng instant noodles, na ipapaabot rin natin sa communities.

 

Naghatid rin ang Deep Dips by Chef Arnold Bernardo ng 1,182 jars ng mga gourmet items na kanilang gawa, gaya ng gourmet tuyo, spicy tinapa, bagoong, atbp.

May mga nagpaabot rin ng tulong na nakalaan para sa frontliners. Kabilang na riyan ang Unilever, na nagpadala ng 1,000 hygiene kits para sa kanila.

Inihatid naman sa ating Tanggapan kamakailan ng P2 Pamilyang Pinoy ang tulong nilang 400 gallons ng disinfectant.

 

Samantala, nagbigay ang Mondelez at Bayanihan Musikahan ng snack packs para sa ating volunteers, na naglalaman ng items gaya ng Oreo Collection cans at packets ng Tang juice drinks at Cheez Whiz.

 

Lubos po ang ating pasasalamat sa donors na bukas-palad na nakikiisa sa ating mga inisiyatibo sa panahong ito!

Iba talaga pag mapagkakatiwalaan ang opisyal gaya Ni VP Leni Robredo, kasi bumubuhos ang tulong.

Ngayon, kaliwa’t kanan ang paghuli sa mga dissenters ng administrasyon. Ultimo ang mga pumupuna kay Bong Go, hinuhuli din.

Eto ang post niya:

“ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG,” 

[Translation: We know the pattern. Go will try to make a scripted request to crazy Digong. Digong is stupid. Digong is crazy.]

Sa gitna ng epidemya, ganito ang nangyayari imbes na tumulong.

Sabi ng NBI huhulihin daw nila kahit yung nagbabatikos kay VP Leni Robredo.

Tanong ko lang. Bakit ngayon lang? Si Mocha Uson pinagmumura si VP Leni Robredo noon, hinuli ba?

Yung si Drew na alagad ni Mocha binastos si VP Leni Robredo at anak niya, hinuli ba?

Pero kahit sobrang pambabastos ni Mocha at ng mga trolls still, mas gusto pang magtrabaho at tumulong ni VP Leni Robredo. Hindi kasi siya pikon at balat sibuyas gaya ng iba.

 

Sa gitna ng epidemya, mas mahalaga ang pagtulong kay “Busy” Presidente Leni Robredo.

Yan ang public servant, hindi dapat pikon.

Lubos Na Humahanga,

PAB

Facebook Comments