Sa Kalagitnaan Ng Epidemya Ito Talaga Ang Inaatupag

Dear KaPAB,

Alam niyo ba kung ilan na ang positive cases since yesterday?

1,006 new coronavirus cases in the Philippines today. Take note – 379 or more than a third are in Metro Manila.

Tapos ito pa ang panukala ang maririnig mo mula sa mga mambabatas.

First, bakit papalitan? Para daw walang pangalan na iba, dapat daw ang pangalan ng bansa? Eh bakit hindi unang palitan ang Marcos Highway kung ganoon? At saka ang daming mga airport sa buong daigdig na nakapangalan sa mga importanteng tao sa kasaysayan nila.

Malaki ang naging parte ni Ninoy Aquino sa demokrasyang tinatamasa natin ngayon.

“Manila International Airport was renamed in recognition of the historical impact Ninoy Aquino’s assassination had not only on our country but around the world.

The blood he shed on the airport’s tarmac symbolized the ultimate sacrifice he made for a return to democracy in the Philippines.”

This is a Historical Revisionism!”

Gaano kainsecure ang gobyernong ito sa apelyidong Aquino?

Second, alam kaya ng mga mambabatas na ito kung magkano ang magagastos sa pagbabago ng pangalan ng Isang airport?

Ito ang ilan sa mga airport na binago ang pangalan.

Sa mga halagang nabanggit ilang testing kits na ang mabibili? That’s millions in pesos!

Ang daming nawawalan ng trabaho, ang daming nagugutom, libo-libo na ang may sakit at namamatay, tapos ganito ang maririnig mo mula sa mambabatas?

Pilitin man baguhin Ang kasaysayan sa panukalang ito, hindi magbabago ang kontribusyon ni Ninoy Aquino sa ating demokrasya at magnanakaw pa din ang mga Marcos.

Sana sinagad na lang yung makapal na panukala. Eto na lang. Para NAIA pa rin.

Ilang taon na rin tayong naduterte eh. Ang daming mga pangako na naging drawing na lang sa panahong ito.

Hay naku.

Yamot Sa Incompetent,

PAB