Sa Huli Ang Tama Pa Din Ang Mananaig

Dear KaPAB,

Alam kong  alam niyo na may pinagdaanan ako nitong Linggong to. Gusto ko lang ikwento ang ordeal na naranasan ko.

After noong nag meltdown at nagpost si Sass about sa documentary film na ginawa kay PAB. Both Sass and Thinking Pinoy posted the resolution of the case ng kaso ni Sass sa akin.

 

 

Nabasa ko ito Sabado ng madaling araw. Aaminin ko kinabahan ako at nagpanic kasi wala naman kaming natanggap pa na documents. Ako or ang abogado ko. Agad kong tinawagan ang ALAB lawyers, Ang advise nila puntahan namin ang court sa Monday.

Nakuha nga namin ang information.

 

Nalaman namin na ang daming clearances pala ang kailangan before we can post bail. Inasikaso ng mga abogado ko lahat noong Tuesday. Dahil ang Taguig Trial Court is under Pasig Trial Court dati,  pabalik-balik kami kasi dalawang set of clearances ang kailangan. Hindi kami umabot ng Tuesday ng hapon, holiday pa Naman Wednesday.

Then nabasa ni Mama itong post ni Franco Mabanta. Umiyak Mama ko.

 

Dito ko narealized na may plano talaga silang pahiyain ako. May plano talaga silang masama. I sent the screenshots to my lawyers. Nag strategized kami.

Thursday ng hapon, inabangan namin ang pag raffle kung saang sala mapupunta. Friday ng umaga palang at 8AM nasa Taguig na ako at nagvoluntary surrender na ako, without fanfare or media. Then the court allowed me to bail.

Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa bail at sa pag issue ng mga clearances para makumpleto ko lahat bago pa man mag Friday.

Gusto ko din magpasalamat sa mga lawyers ko, na nag strategized sa mga gagawin namin para mahadlangan ang masamang balak ni Franco Mabanta at ang kanyang alipores.

At gusto kong magpasalamat kay Sass at Thinking Pinoy for posting the resolution online kasi kung hindi nila napost baka hindi namin nalaman agad na may resolution na. Dahil sa ginawa nila, nabigyan kami ng warning at naagapan namin ang kaso. Natulungan nila akong hadlangan ang planong pagpapahiya ni Franco sa akin. Thank you beshies!

Anyway, tuloy pa din ang laban. Maraming salamat sa mga tumulong at nagdasal para sa akin.

Hindi Pasisiil,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *