Robin Padilla, Nagsayang lang ng Pera

Dear Robin Padilla,

Nabasa ko ang post ng wife mo na stupid blogger daw ako kasi ikaw naman daw ang nagbayad sa ticket mo at sa hotel expenses. Nakita ko din tong resibo na binigay mo kay Sasot.

Question lang po, kasama na po ba sa resibong ito ang pamasahe ng kapatid nyo?  Nakita ko din po yung hotel receipt, sayang nakatakip kung kaninong card ang ginamit.

Hindi tuloy natin alam kung card mo ba ang ginamit o sa ibang tao. Anyway, kung totoo man na ikaw ang nagbayad, at least nakatipid ang gobyerno sa gastos sa isang “sabit”. Konting  food expenses  na lang ang nagastos siguro at land transportation. Nevertheless, gaano man kaliit ang nagastos sa yo, tell your wife na pera pa din ng bayan yan. And since wala ka naman personality sa gobyerno, mali pa din yun. Delikadesa na lang.

Balita ko pumunta ka pa daw ng Netherlands para kausapin ang head ng CPP/NPA na si Joma Sison. Gusto mo daw tumulong sa peace talks? Yung pamasahe and accommodation sa Netherlands, gastos niyo din po ba yan? Or sa pera na ng bayan yan?

Just so you know, nagsayang ka lang ng effort at pera sa pakikipag usap na yun. Kasi kahapon ng umaga nilusob ng CPP/NPA ang  Army Detachment at Barangay Buda, Marilog District, Davao City was been attacked by CPP-NPA na sanhi ng kinamatay ng isang CAFGU at ginawa ito pagkatapos lang ng flag ceremony. Kung sincere talaga yang idol mo na si Joma Sison, bakit tuloy pa din ang patayan?

So kung gastos ng gobyerno yang pag pagpunta mo sa Netherlands nagsayang ka lang ng pera ng bayan,  kung gastos mo naman I hope you can show all the receipts.

And ang sinasabi mong dayuhang amerikano ,ayun sila ang tumutulong sa atin sa Marawi ngayon. Tuwang tuwa ka pa sa video na minura ni Duterte ang Presidente ng USA. Well,  I guess kaya nareject ang visa application mo, kasi kunsintidor ka sa kamalian.

Anyway, ipagpatuloy mo lang yan malay mo magka pwesto ka sa gobyerno gaya ni Cesar Montano at yung sidekick mo na si Dennis Padilla.

Inis sa mga Tsuwariwariwap,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *