In Response to Lolo Rocky Gaskell Nuyda

Dear Lolo Rocky Gaskell Nuyda,

Your post was sent to me by PAB’s followers. Nakita ko rin po na tuwang tuwa ka na nashare ang post na to ni Ate Mocha. Alam niyo po ba ang “famewhore“? Google nyo po.

Anyway I want to answer your questions po. Unang point niyo po that tuition fee of Aika is 5 million and you read it somewhere. Typical talaga sa inyong mga Dutertards no?  Kung hindi fake ang source, somewhere naman ang ginagamit. The next time you meet somewhere screenshot niyo po para yung mga sinasabi niyo may basis. So, even if it’s true na 5 million ang tuition fee ni Aika, at sabi mo nga 8 million lang ang SALN ni VP paano niya mapapaaaral si Aika?

Ganito yan Lolo ha, may tinatawag po tayong scholarship. Alam niyo po ba yun?  Palagay ko hindi. Explain ko Lolo ha, halimbawa may mag aaral sa kolehiyo, ang unang step ay magtake muna ng qualification or entrance exam.  Tapos po once makapasa ka, dun ka na maghahanap ng scholarship.

Kung nagbabasa po kayo Lolo, nung unang napost po ni VP yung pakapasa ni Aika sa Harvard, may binanggit po siya na next step is to find an scholarship. So yung sabi niyo na pinaghandaan na before the grant of scholarship is kasinungalingan. Eto po ang post since normal talaga sa mga Dutertards ang tamad magbasa.

Alin po diyan sa while “she’s waiting for the approval of her scholarship” ang nahirapan kayong maintindihan?  So ibig sabihin po Aika got the scholarship po that’s why nag aaral na sya dun ngayon. Klaro po ba Lolo Rocky?

Now to your point kung bakit kiniquestion namin si Bato sa trip to Vegas niya, kasi bawal po yun. Read RA 3019. Wag po kayong tamad. Ang tanda niyo na mahilig pa din kayo sa tsismis.

Now, yun naman sa junket nang Poon mo, tama lang naman na magtanong ang taong bayan. Utang tayo ng utang tapos ang poon mo ginagastos lang sa junket?

Wag mong gawing bulag kagaya mo ang taong bayan. That’s a lot of money samantalang sa Marawi kumakain na ng dahon at karton ang mga tao dahil sa gutom.

Kung kaya mong ipikit ang pagwaldas ng pera ng bayan habang ang bayan ay namamatay na sa gutom, kami hindi.

At saka nga pala, I went to your profile nabasa ko to.

Lolo, ang kapal naman ng mukha niyong laitin si VP Leni kung bumagsak man sya sa BAR. Ang hirap ng Bar po Lolo Rocky, try niyo. At sa buhay ng isang tao, hindi mahalaga kung ilang beses kang bumagsak, what really matters is ilang beses kang bumangon after mong bumagsak.

Alam niyo Lolo, kung may apo or anak kayo, wag niyong iadd sa social media like Facebook, kasi po hindi kayo magandang halimbawa sa kanila.

Sinungaling at mapanlait sa kapwa are not the traits you want na kalakahan ng anak or apo niyo.

Galit sa Matandang Buraot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *