Request mo, Approve mo?

Dear Manang Imee,

Kumusta po kayo? Kumusta po ang Ilocos?  Nasa limelight ngayon ang province niyo dahil sa alitan niyo with Cong. Fariñas. Mga dokumento naglabasan, gaya nito.

Binatikos po kayo kasi ikaw ang nagrequest ng supply, ikaw din nag approve, mukha tanga lang di ba?  Parang kinakausap niyo sarili niyo. 😂😂😂

“Imee: pssst Imee, request ako ng mga supplies.

Imee: OK sige approved na yan. ”

Pero,  what really caught my attention is the supplies you requested. Manang ano po ang gagawin ng governor’s office sa limang bus? At may 32 inch TV and DVD player with 10 microphones for each bus?  Bongga ang specification kasi may brand pa ha, Samsung.  Plano bang mag field trip ng capitolyo everyday with matching videoke? 😂😂😂

Manang Imee,  dahan-dahan kayo pag gastos sa pera ng bayan, kaya tuloy nung rally sa Edsa, ang chant ng mga tao ay “Botox ni Imee, Pera ng Bayan! “.

Pero in fairness ha,  yung mga salamat doc na retoke nyo po, mukhang effective.

The Evolution of Imee Marcos.

Magkano po lahat-lahat ang pagawa niyo?  Sana pinabawasan niyo ng konti pa ang baba nyo na din po, kasi baka pag biglang yuko matusok nyo po sarili nyo. 😂

Anyway, if the allegations are true, patay kang bata ka. Kung nakaligtas sa kulong ang Tatay mo, baka ikaw hindi. Kung ako sa yo, isumbong mo din ang mga corruption ni Fariñas kung meron man. Mag gantihan kayo. Gustong makita ng taong bayan kung sino ang kakampihan ni Duterte. Kayo na ang laki ng gastos sa kandidatura niya, or si Fariñas na hawak sa leeg ang Kongreso?  Nevertheless, walang itulak kabigin sa inyo sa larangan ng pagiging TRAPO.

Galit sa Corrupt,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *