Representative Jonas Cortes, Nahaharap sa Isang Kontrobersiya

Dear Cebuanos,

Muli nahaharap na naman sa isang money issue ang isa niyong Congressman. Ang tinutukoy ko po ay si Rep. Jonas Cortes ang dating mayor ng Mandaue City.

Apparently may nadiscover ang COA na mga irregularities sa procurement ng dalawang Tank Fire Fighting Vehicles na nagkakahalaga na 44.9 million. Luh, ang mahal naman.

Pero hindi dito natatapos ang isyu mga Day ug Dong. May isa pang kaso na ifafile.

Sabi sa news, may magfafile ng plunder case kasi allegedly ito daw si Representative Cortes ay binenta ang isang property ng city government for P1, 791, 050.00 lang pero ang lumalabas na market value pala ay P429.8 million. Luh, lugi ang Mandaue City!

Ano bang meron sa mga taong to? Dati yung kay Gwen Garcia nasa ilalim ng dagat ang biniling property. Ngayon naman binenta daw ang property ng city as P50 per square meter. Barato kaayo! Sino kaya ang nakabili? Tubong lugaw pag nagkataon sila.

Kaluoy pud sa mga taga Mandaue City.

Patuloy na Susubaybay sa Issue,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *