In Reply sa Kuda ni Mocha Uson

Dear Assec. Mocha Uson,

Ang haba ng kuda mo kay Senator Bam Aquino, samantala wala naman syang sinabing masama. Eto ang sinabi ni Senator Bam. Resibo.

Tapos ang haba na agad ng kuda mo as if natamaan ka ng uppercut. Sagutin ko lang ang punto por punto ang post mo ha. Eto ang post mo.

1. Sabi mo stop the hate? Eh kayo kaya ang laging nagkakalat ng hate at divisiveness. Remember this post na tinira mo ang mga Aquino just because naging endorser si Ms. Kris Aquino? Resibo.

Anong tawag sa post na yan, encouragement? Post about love? Kung may nag-esspread man ng hatred dito, ikaw yun no!

2. Stop being negative sa administrasyon? Sino ba ang gumagawa ng kapalpakan gaya ng fake news? Di ba ikaw? Resibo.

Naalala mo yan na gumamit ka ng maling litrato? Ano sa tingin mo positive ang kasinungalingan na yan? Isa ka sa mga dahilan kung bakit negatibo ang tingin kay Duterte kasi fake news ka. Nagsimula ka sa kasinungalingan, nagpapatuloy ka sa kasinungalingan.

3. Stop credit grabbing? Eto ano to? Resibo.

Luh, project kaya yan ni PNoy. Kayo ang mahilig magcredit grab. Bago ka magsalita ng credit grab, pagsabihan mo muna ang mga amo mo. Tse!

Eto ang karugtong ng post mo.

4. Walang ebidensyang akusasyon? Luh, bulag ka ba? Akusasyon sa EJK. Hindi pa ba sapat ang mga larawang ito bilang ebidensya?

Titigan mo ang bawat mukha nila tapos tanungin mo sa sarili mo kung totoo ba o hindi ang ejk na bukambibig ng amo mo. Resibo.

5. Stop calling you troll? Define nga natin kung ano ang troll. Resibo.

“A person who sows discord on the internet by starting quarrels or upsetting people”

Di ba eto naman talaga ang ginagawa mo? Naalala mo kung paano mo minura si VP Leni? Di ba yun nga ang dahilan kaya natanggal ka sa DZRH? Resibo.

Yung pagtawag mo sa media na “presstritute” hindi ba ugaling troll yan? Resibo.

Sa ugali mong yan, katotohanan lang na tawagin kang internet troll, alangan naman Santa Mocha itawag sa yo, eh balahura ang bibig mo.

Wag kami ang lokohin mo. Ikwento mo yan sa pagong Fake News Queen, wag sa amin. Kung ayaw mong matawag na troll, mag asal tao ka. Ganoon lang yun kasimple.

Yamot sa Fake News Troll,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *