In Reply to Krizette Chu

Dear Krizette Chu,

Isa ka sa mga DDS na sobrang makapanlait kay VP Leni Robredo. Nagagalit ka pag sinasabihan kang bayaran. Ako naman naniniwala na hindi ka bayaran, sinabi mo po eh. Nabasa ko po tong post mo po na ang mga anak na naman ni VP Leni ang pinagdidiskitahan mo.

Binabatikos niyo na nga si Aika pati ba naman ang bunsong si Jillian dinamay niyo pa.

Ms. Chu, maaaring hindi kasingyaman ni Honeylette si Leni, pero hindi naman sya ganun kahirap para hindi makapag paaral ng mga anak niya. At saka ano po sa word na “scholarship” ang di niyo po maintindihan? Uulitin ko po ha, may scholarship po si Aika kaya nakapag aral po siya sa ibang bansa.

Ngayon punta naman tayo sa bunso kay Jillian, since tamad ka din magresearch gaya ng iba mong kasama, ako na lang po ang gumawa for you.

Si Jillian Robredo po ay “exchange student” sa Spain. Ang ibig pong sabihin nakapasa ang bata. Ngayon kailangan ko pa bang iexplain ang ibig sabihin ng exchange student? May estudyante po sa school sa Spain na mapupunta sa Philippines Science,  at si Jillian naman po ang pupunta dun bilang kapalit. Now, hindi na siguro poproblemahin ang tuition fee di ba?  At pag exchange student po usually may host po yan na family na matitirhan.

Now, punta tayo sa mga nagbibigay ng tulong kay VP Leni.

First hindi po, humingi si VP Leni ng tulong, kusang loob po yan ginawa ng mga supporters niya, as long as hindi sila humihingi sa yo, wala kang pakialam sa diskarte nila.

Ngayon gusto niyo namang tanungin ang health ni VP Leni. Wag kang mag alala, mukhang healthy naman po siya. Walang cancer. Hindi hinihimatay bigla. At hindi niya kailangan magpahinga ng 5 days. Hindi niya rin po kailangan pumunta ng China secretly para magpagamot. Kita naman sa itsura po.

Minsan gusto kong isipin na bayaran ka na lang, at least maiintindihan ko na you are being paid to hate VP Leni and the church. Pero hindi ka bayaran eh. But  your hatred towards VP Leni and the church is just too much. Sobrang pagbatikos niyo sa simbahan at mga pari.

Nabanggit mo na lang din ang Hogwarts, you remind me of her.

Dolores Umbridge. Yung kontrabida sa Harry Potter? Yung cruel at galit sa mga taong masaya? Ganyan po tingin ko sa inyo.

Inis sa mga Insecure,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *