In Reply to Arnold Clavio

Dear Arnold Clavio,

Di ko na sana papatulan ang mga patutsada mo eh. Kaya lang since nagsulat ka ng buong article sa dyaryo na sinusulatan mo, aside pa yan sa mga patutsada ma sa social media, sasagutin ko na lang. Eto ang sabi mo.

Ang reason mo hindi niyo kinukutya ang nangyari kay Maria Ressa? Why the canned laughter? Ke satire man ang programa niyo, sana man lang naging extrasensitive kayo kasi kasamahan niyo sa industriya ang involved. Eto yung kanta, sinama ko na pati chorus.

Paulit ulit ko mang pakinggan yan, off talaga. Maganda ang mensahe sana ng kanta, but why include ABSCBN sa lyrics? The message of the song was dilluted because of the canned laughter.

Halos majority ng media peeps nakikiisa with Rappler kasi alam nila anytime puwede sila din ipitin, pero you deal with it with laughter? Luh, grabe sya oh.

And then you take a swipe kay Karen Davila.

Paulit ulit mo mang sabihin ang lyrics ng kanta. But the way you sang it, yun ang mali. Aside sa canned laughter, nakikita niyo ba ang mga mukha niyo sa video? Mukha ba kayong nakikiramay sa nangyari sa kasamahan niyo sa industriya? Panoorin mo uli ang video ha.

Hindi closed ang mind ko. Ang point ko lang na sana maging sensitive kayo sa nararamdaman ng mga kasamahan niyo sa industriya.Dami mong paliwanag, pero para sa iba kabastusan yun. Bilog ang mundo, paano pag kayo ang nalagay sa kalagayan ng Rappler at ABSCBN, tapos pagtawanan kayo ng inyong kasamahan sa industriya? Ok kaya yun sa yo? Baka pati si Arn-Arn, nagwala pag nagkataon.

What you did is the height of insensitivity, tapos.

Yamot sa Bastos,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *