Remittances ng mga OFW may tax na?

Sa mga kababayan ko pong OFW,

Hi po!

Una po sa lahat gusto ko pong mabigay pugay po sa inyo bilang kayo po ang tinuturing na mga bagong bayani ng panahon. Alam ko po, hindi biro po ang hirap na dinaranas nyo diyan sa ibang bansa para lang po makapag padala sa mga mahal nyo sa buhay dito sa Pilipinas. Pagod, hirap at lungkot ang pinapasan nyo mabigyan lang ng magandang buhay ang pamilya nyo po. Sa inyong sakripisyo dapat lang na bigyan kayo ng halaga ng gobyernong ito.

Alam ko po, most of you voted for Duterte. Marahil katulad ng marami,  gusto nyo rin ng pagbabago. Yung klase ng pagbabago na puwede na kayong umuwi kasi maayos na ang bansa. Malago na ang ekonomiya, marami ng available na trabaho sa bawat Pilipino, mura na ang bilihin,  maayos na ang traffic at higit sa lahat wala ng krimen.

Masakit man pong tanggapin, hindi mabuting pagbabago ang dala ni Duterte. Mas lumala po ang traffic, masama ang lagay ng ekonomiya dahil pagtaas ng mga bilihin at pagbagsak ng piso. Ngayon puwede kang mamatay anumang oras kahit napagkamalan ka lang.

Pasensya na po, mukhang hindi pa kayo makakauwi po. 😢

Dapat sana dahil malaki ang suportang binigay nyo sa kay Duterte, dapat sana pahalagahan nya ang pinaghirapan nyo,  pero sa bagong panukala ng kanyang administrasyon mukha karagdagang pasanin ang binigay nya sa inyo. Papatawan daw po ng 12% tax ang bayad padala nyo po.

Alam ko po, mahirap tanggapin na ang pagbabagong hinahangad nyo ay hindi nangyari, bagkus lalo pa kayong nahirapan kasama ang inyong mga mahal sa buhay. Ang kakarampot na pinaghirapan ng inyong pawis at dugo ay babawasan pa ng walang awang administrasyon ni Duterte.

Gusto ko lang po na kaisa nyo po si PAB sa pagtutol sa karagdagang buwis na ipapataw sa inyong mga padala. Kahit saan po tingnan eto ay hindi tama.

Patuloy po tayong pupuna sa kamalian na ating nakikita.

Lalaban tayo para sa bayan,  para sa sting kinabukasan!

Mabuhay po ang mga OFW!

Nagpupugay,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *