The Real First Daughter

Dear Mayor Sara Duterte-Carpio,

Hello po. First time ko po kayong sulatan. May sumulat po kasi si PAB na may gusto pong ipaabot sa inyo.

Meron po kayong free medicine program ano po, yung Lingap?  Kung saan ang mga reseta po ay kinukuha niyo at ang city government na ang bumibili. May nangyayari po daw na corruption sa programa na yan, baka po gusto nyong imbestigahan.

Di ba po ang nakaka claim lang po pag ang reseta ay galing sa public hospital?  Ang ginagawa po ng mga tauhan niyo daw po, hinhingian nila po ang mga pasyente na ang reseta ay galing sa private clinic ng 200-500 para po malipat ang reseta sa government prescription paper daw po. Mayor kung totoo po ang sinasabi ng sulat, parang wala na ding saysay ang pagtulong niyo sa kanila. Sana po maimbestigahan niyo po ito. Lagi pa namang sinasabi ni President na walang corruption sa Davao. Dalawa na po kayong magkapatid na nakaupo sana po maimbestigahan niyo po at mapatigil niyo na po. Corruption under your nose po yan.

May isa pa po akong tanong. Totoo po ba na maraming budget surplus ang DSWD Davao?  At may directive po from the President na ubusin ang budget before SONA? You need to spend 20 million daw po weekly. Ang laki naman po nun kung totoo. Ang plano daw po na ang mga matutulungan ay ihahabol sa SONA. Question po, kung sakaling totoo ang balita, bakit po pinapakialamanan ni President ang LGU?  Kayo po ang mayor di ba?  Sabagay, Tatay mo naman sya.

Anyway sana po maayos na po ang corruption diyan sa Lingap Program niyo, kung totoo man. Nakakaawa po ang mga tao, instead of Lingap ang makuha nila from the government, naging HIRAP.

Galit sa Corrupt,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *