Rappler is Going Strong and Trolls Can Choke


Dear KaPAB,

Bakit kaya ang mga DDS at BBM follower ay tamad magbasa? Nang lumabas ang decision ng Court of Appeals sa kaso ng Rappler. Eto ang mababasa mo agad sa feed mo.

 

Pare-pareho ang sinasabi. Hindi muna binasa ang decision bago kumuda.

Ano nga ba ang naging decision ng Court of Appeals?

1. Dineny ng CA ang petition ng Rappler for review. Tama, nag agree sila sa decision ng SEC na ang Depository Receipts daw ay nanganghulugan na hindi daw 100% Filipino owned ang Rappler.

2. Sabi din ng Court of Appeals, na yung pagtanggal sa license ng Rappler ay dapat last resort yun, dapat daw binigyan ng SEC ang Rappler ng time “ to correct or modify the objectionable portions of their articles of incorporation and amendment.” In other words, masyado harsh ang ginawa ng SEC sa Rappler.

3.  Sabi din ng CA nagpakita daw ng “good faith” ang Rappler in complying with the SEC when foreign investor Omidyar waived its PDR’s and donated them to Rappler’s Filipino managers.

4. At sabi ng CA, dapat tingnan ng SEC ang effect ngayon na nadonate na ng Omidyar Network ang Depository Receipts to the staff of Rappler.

5. Finally, since yun ang sinabi ng CA, ibig sabihin yung pagcancel ng license ng SEC ay hindi puwedeng maimplement until the issue is finally decided.

 

So Rappler is going strong and trolls can choke! Mali na naman ang interpretation ng mga DDS trolls. Hindi kasi nagbabasa. Hindi man lang nagtatanong.

 

Natatawa sa mga Trolls na Nagdiwang Agad,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *