Rapist on the Loose

Dear Rapist,

Noong una naaawa ako sa yo, kasi sinusuka ka ng mundong ginagalawan mo. Pero nang makausap ko ang mga naging biktima mo, sobrang galit ang naramdaman ko.

Isang kahayupan ang ginawa mo sa kanila. Ginamitan mo sila ng droga saka mo ginahasa. Hindi iisang tao lang ang ginawan mo ng kademonyohan, sobra sampung biktima ang binababoy mo, hayup ka.

Nakakadiri ka. Sobrang pagmamalaki ng grupo niyo, na parang sobrang linis mo, pero ang totoo isa kang addict at demonyo.

Maaaring takot ang mga biktima mo na lumabas, kasi may pamblackmail ka, pero tandaan mo, hindi araw-araw pasko. Darating ang panahon na lahat ng kasamaan mo ay babalik sa yo.

Nakakadiri ka, hindi kayang pagtakpan ng mamahaling pabango ang umaalingasaw mong baho. Hindi ka na naawa sa mga biktima mo.

May kapatid kang babae sana man lang naisip mo yun. Oo nga pala, non bailable ang offense mo, gumamit ka ng droga bago mo sila ginahasa. Eto ang penalty. Resibo.

Hindi ko ipapanalangin na matokhang ka kahit addict ka, pero ipapanalangin ko na sana magkaroon ng sapat na tapang ang mga nabiktima mo para kasuhan ka.

Kasi kung nasa labas ka pa din, paulit-ulit mong gagawin ang kahayupan sa iba’t ibang babae. Dapat kang makulong.

Sana malaman ng bossing mo na ang isa sa mga supporter niya ay addict, rapist at demonyo. Nakakahiya ka.

Naghihintay nang Karma para sa Rapist,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *