Ramdam na Ang TRAIN

Dear President Duterte,

Anong pahirap ang dinala mo sa bansang ito? Binoto ka ng karamihan sa mahihirap kasi akala nila ikaw ang poprotekta sa kanila.

Last Christmas, eto po ang dialogue mo.

 

“Biggest Christmas and New Years Gift”? Kailan pa naging gift ang isang kaparusahan?

Pinagmamalaki mo na malaki na ang take home pay kasi bawas na ang tax? Paano naman yung mga magtataho at magbabalot na walang witholding tax? Pinapasan ngayon nila ngayon ang pagtaas ng bilihin.

Ang mga minimum wage earners na wala naman talagang witholding tax noon pa, pinapasan na din nila ang pagtaas ng bilihin.

Ang mga jeepney at taxi drivers na nagkakanda kuba na ngayon sa pagmaneho para lang may maipakain sa pamilya, pinapasan ang ganitong pagtaas ng gasolina.

Tapos eto ang sabi niyo noong kampanya.

Pero ngayon eto na ang nangyayari.

Paano na ang mga mahihirap nating kababayan na umaasa sa murang bigas? Eto ba ang sinasabi mong pagpapahalaga sa kanila?

Pinagmamalaki niyo ang subsidy na 200 pesos monthly? P6.66 daily ang ibibigay niyong tulong sa kanila para lang macushion ang epekto ng train? Pinagloloko niyo po ba kami?

Ang Duterte tax law ay isang pabigat na pinapasan ngayon ni Juan. Pinatawan niyo sila ng mga buwis pero lubog na naman tayo sa utang.

Wala kang awa. Pilipino namamatay sa tokhang, ngayon naman mamamatay sa gutom.

Naaawa sa Bayan Ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *