Ramdam na Ang Hirap sa TRAIN ni Duterte

Dear KaPAB,

Ramdam na natin ang pahirap sa TRAIN ni Duterte. Yung gasolina at krudo sobrang taas na.

Oo isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng price sa world market, pero kung hindi dinadagdagan ng TRAIN ni Duterte, hindi ito ganito kataas. Tingnan niyo naman mga bilihin.

Ultimo sardinas ang laki ng tinaas. Sobrang kawawa na ng mga taong halos kakaramput lang ang kinikita.

Yung palitan ng dolyar laban sa peso ay P52.00 na.

 

Tapos kanina nilabas ito.

Yung competitiveness ranking natin ay bumagsak. Mahina ang tourism, mahina ang employment, lumalalang paggastos ng pondo ng bayan, may pagkukulang sa infrustructure, tax regime at legal enviroment.

Ang tumataas po sa atin ang dami ng pinapatay araw-araw. At ang bilang ng mga nagugutom at nawawalan ng trabaho.

Habang papalubog ang ekonomiya at pataas ng pataas ang utang natin sa China, yumayaman naman ang ibang alipores ni Duterte sa pangungurakot.

Eto ang totoo. Walang alam sa ekonomiya ang presidente.

Galit sa Kurakot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *