Rainy Afternoon With The Vice President

Dear KaPAB,

Hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang karanasan ko kahapon kung saan nakinig ako sa talumpati ni VP Leni Robredo.

Nagkaroon ng activity ang “Kaya Natin Movement kahapon. This is to discuss West Philippine Sea.

First time kong marinig si VP magsalita in person. Sa bawat katagang binitawan niya ramdam mo ang sinseridad. Nagsimula ang talumpati niya sa pagkilala kay Renato Etac, eto yung mangingisda  who stood his ground noong hinarang sya ng coastguard ng China habang nangingisda.

Sinabi ni VP na kailangan protektahan natin ang mga mangingisda. Bawat kataga, alam mong tunay niyang mahal ang bayan. Ramdam niya yung tatlong mangingisda na pinagnakawan ng coastguard ng China.

Ito ang tumatak sa akin ng sinabi niya ito.

“Ang atin ay atin. Obligasyon nating pangalagaan ang ating teritoryo pati na ang kapakanan ng lahat ng nakatira dito. Hindi ito basta-basta sinusuko sa iba dahil lang natatakot tayo.”

Talumpati na walang mura, talumpati na walang binabalahura. Tumatagos sa puso, ng bawat tao.

Bise Presidente, na matalino, disente at tunay na nagmamahal sa bayan. Yan si VP Leni Robredo.

Umulan man o umaraw, gagampanan ang responsibilidad para sa taong bayan.

Proud Ako sa VP ko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *