Quo Warranto ni “CalDut”

Dear KaPAB,

Sabi ng iba luto na daw ang Desisyon ng mga Associate Justice sa quo warranto case ni Calida/Duterte against CJ Sereno. Pero pinagdadasal ko na sana magkaroon ng konsensya ang mga mahistrado. Bakit dapat tayong mabahala pag sumang-ayon sila sa quo warranto? Enumerate natin mga bes.

1. Una pag sumang ayon sila kay Calida ibig sabihin binago nila ang ruling ng quo warranto. Kasi under the law ang quo warranto dapat within one year lang puwede, 5 years ng nakaupo si CJ Sereno.

2. Kung ang basis nila sa pagrant ng quo warranto ay dahil hindi mo mahanap ang SALN mo kahit noong nineteen “kopong kopong” pa at sasabihin nila na since hindi mo nakita, hindi ka nagfile, then binabaliko ng mga mahistrado ang mga desisyon nila dati para gipitin si CJ Sereno.

3. Pangatlo, pag nangyari ito, lahat ng mga judges na gumagawa ng tama ay puwedeng gipitin ni Calida na puwede niyang ipatanggal via quo warranto, pag hindi nila makita ang kopya ng SALN.

Halimbawa, eto si Manong Judge may kaso sa kanyang sala si Peter Lim, tapos halimbawa kumpare sya ng presidente, para mapawalang sala si Peter Lim,  puwedeng sabihin na “pag hindi mo ipawalang sala yan, mag file ako ng quo warranto?” Minor detail na lang kahit 20-30 years na in service ang halimbawang judge di ba?

So basically, itong panggigipit nila kay CJ Sereno ang ugat talaga kasi tinutulan dati ni CJ Sereno ang EJK ni Duterte.

Ang kapangyarihan ng quo warranto ang magsisilbing itak sa leeg ng bawat judges sa buong bansa. Mababalahura ang justice system ng bansa.

Kaya ang laban ni CJ Sereno ay laban natin para sa ating Saligang Batas. Ngayon na nahanap na ang mga missing SALN, ano pa ang dahilan para kampihan nila si CalDuts?

Kung talagang fair sila, hindi dapat nila igagrant ang quo warranto. Isipin niyo na lang kung magkaroon ng kapangyarihan ng dilim si Calida? Lahat puwede niyang takutin.

Hawak na sa leeg ni Duterte ang Congress, tapos hahawakan pa nila sa leeg ang Justice system, paano na ang check and balance?

Mga KaPAB, kailangan natin maghanda, kasi mukhang may malaking laban tayong susuungin. Kailangan nating magsalita. Kailangan nating makilahok. Huwag pumayag na maghari ang mga kampon ng kadiliman.

Laban ni CJ Sereno ay laban natin lahat.

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *