Putol na Kamay, Nang-iiwan na Bagon

Dear Secretary Tugade,

Kumusta naman ang problema sa MRT, malapit na pasko, ilang novena na ang ginagawa ng taong bayan, problema pa din? Sabi niyo magdasal, resibo.

Pero noong nakaraang araw may naputulan ng kamay. Resibo.

So ano naman ang ginawa government to assist the victim po?

Tapos ngayon naman, may naghiwalay na bagon. Resibo.

Kahit ilang beses kaming magdasal araw-araw kung hindi niyo pa rin maaayos ang problema, mas madami pa ang mapapahamak. Paano na lang kung yung humiwalay na bagon ay tumilapon ng mga tao? Aksidente na naman?

Aba naman po, more than a year na kayo ha, baka naman sa nakaraang admin niyo na naman ito isisisi. Sabi niyo 100 days, tapos 6 months, ngayon nganga na tayo mga bes?

Luh, grabe sila, nang-iiwan na nga ang MRT tapos puro pa kayo pangako. Tse!

Yamot sa Mga Palpak na Ahensya,
PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *