Puso ng Isang Ina

Dear VP Leni,

Isa po sa nabisita nyo po na sugatan ay pinsan ko po. Nakausap ko po sya kanina at nakwento niya ang mainit na pagtanggap po sa inyo ng ating mga sundalo.

Nung nagkwento daw po sa inyo ang pinsan ko kung paano sya nabaril, naramdaman niya daw po ang sincerity ng pakikiramay nyo sa kanila. Nakikita niya ang pamumuo ng luha sa inyong mga mata pero alam niya po na pinilit nyong magpakatatag kasi dapat ang isang leader ay di dapat panghinaan ng loob. Sabi po ng pinsan ko, nakakataas daw po ng morale ang pagbisita nyo po sa kanila. Para daw silang naka kita ng Nanay na mapasasabihan ng kanilang dinanas. Ramdam daw po nila ang sinseridad sa bawat salita ang concern sa bawat hawak mo sa kamay nila.

Akala nga daw po nila bibigay kayo sa pag iyak ng lumapit kayo sa kabaong ng namatay na sundalo, pero nakita nila ang pamumuo ng inyong mga luha at narinig nila ang panginginig ng iyong boses habang pinapaabot nyo ang pakikiramay sa mga naulila.

VP Leni, salamat po ha. Salamat sa pagmamahal at pakikiramay.  Salamat sa pagmamahal mula sa ina ng bayan.

Sa mundo ng karahasan at kadiliman ang iyong malasakit at pagmamahal ang nagbibigay ng pag-asa sa mamamayan.

Lubos na gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *