Pulis, Nagsalita Tungkol Daw sa Kalakaran sa PNP

Dear PNP,

Kahapon may nahuli kayong kapwa niyo pulis na gumahasa sa 15 years old na anak nang nahuli niyo sa kampanya laban sa droga.

 

 

 

Sinermunan niyo siya sa harap ng camera. At dinig na dinig ng mga media doon yung sinabi niya.

 

 

Ibig sabihin hindi ito ang unang beses ginagawa sa mga kapulisan pag may nahuhuling sangkot sa droga? Ginahasa ang 15 years old, kapalit sa pagpapalaya sa magulang nila na kinulong niyo?

Kung talagang seryoso ang administrasyon na to na protektahan ang kabataan, bakit nangyari ang panggagahasa sa isang musmos? Siguro dapat niyo ding imbestigahan ang mga ksamahan niyo, kasi ayun kay PO1 Valencia, hindi na daw bago ang ginawa niya sa inyong hanay.

Ang tanong ilang kabataan na ang nagahasa kapalit sa pagpapalaya sa kanilang magulang? Siguro pakantahin niyo yan si Valencia, para mabigyan ng katarungan ang mga nagahasa.

You are supposed to protect the citizens of the Republic. Pero kabaliktaran ang nangyayari, may mga pinapatay na walang kalaban-laban, at ngayon may mga ginagahasa pa pala.

 

Naaawa sa Bayan Ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *