Promotor ng Kaguluhan si Duterte

Dear KaPAB,

Dati akala natin ang may pakana ng impeachment ni CJ Sereno ay si Atty. Gadon lang. Ngayon klaro na kung sino talaga ang may pakana.

15 weeks na hearing na paulit ulit nilang binalahura ang institusyon ng hudikatura. 15 weeks na puro imbento ang mga ebidensiyang binigay nila. 15 weeks na hindi man lang hayaang maidefend ni ng mga abogado ni CJ Sereno.

Nang hindi gumana ang impeachment case, yung mga justices na dapata sanang mag inhibit ay pwersang resignation na naman ang ginawa. Nanindigan si CJ Sereno kasi nasa panig siya ng katotohanan. Nagfile na lang ng leave para maghanda sa nalalapit na impeachment trial.

Pero since mahina nga ang kaso nila at alam na hindi lulusot sa Senado, ang minion ni Duterte na si Calida ay nag file ng quo warranto.

Kahit sinong lawyer alam na bawal to, pero pinayagan ng Supreme Court Associate Justices. Mapapaisip ka tuloy kung may check and balance pa ba ang gobyerno natin.

Hindi nag inhibit ang lima na may grudge kay CJ.

Anong klaseng trial magkakaroon ang Chief Justice kung ang kanyang accuser ay siya din ang maghuhusga sa pagiging unconstitutional ng quo warranto?

Kahapon sinabi na ni Duterte, ang missing puzzle, kung sino ba talaga ang promotos sa gulo.

Ganitong pambabalahura ang ginagawa sa atin. Sobrang pagtapak sa karapatang pantao. Sobrang pambabalahura sa saligang batas.

Kailangan natin depensahan si CJ Sereno, kasi kinabukasan ng bayan ang nakataya.

Magsalita. Makilahok. Binabalahura na ang bayan mo. Goliath man ang kalaban, marami tayong David na puwedeng lumaban.

Matapang na Naninindigan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *