President’s Wardrobe

Dear Tatay Digong,

Huwag niyo po sanang mamasamain ha. May tanong lang po ako. Sino po ang nag advise kung ano ang isusuot niyo po sa pag alis nyo? Kasi po matagal ko na pong napapansin, kung hindi po kayo mukhang jejemon mukha naman kayong dugyot. From barong na nilagyan niyo ng suspender to pantalon na bitin. Naiintindihan ko po na gusto niyo lang magpakatotoo, pero puwede naman pong gawin yun na hindi kayong nagmumukhang marungis.

Kanina nagmilitary camouflage kayo, pero labas naman ang cleavage tapos naka rubber shoes pa.

Wala man lang po bang nag advise sa pananamit nyo?  Kahit si Mocha man lang? Mas mukha kayong Kumander ng NPA kaysa Commander in Chief ng AFP sa itsura niyo po eh. Sa CAT before sinasabi na dapat pag magsusuot ng uniform dapat, matikas. Tapos kayo na presidente nagmukhang jejemon sa uniform na yan.

At saka Tay, medyo nabother po ako sa itsura niyo ngayon.

You look pale and thin. Ang laki ng tiyan niyo din po. Ano po ba ang sakit niyo?

Anyway, akala ko naman didiretso kayo ng Marawi, nagphoto op lang pala kayo sa Iligan city. 

May pa armas armas pa kayo na props. Mana po sa inyo si General Bato, talo lang kayo sa costume.

😂😂😂

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *