The Presidential Guard Dogs

Dear Tatay Digong,

Kumusta po kayo?  Mukhang OK na pakiramdam niyo uli. May ipapakilala po ako sa inyo.  Siya po si Pebbles, ang alaga kong aso.

Inaalagaan ko po sya. Pinapakain ng mabuti. Meron po silang maluwag na tirahan. Minsan pinapasyal ko sya sa labas po. Minsan po may nagtangkang pumasok sa bahay ko dati, kung hindi tumahol ang aso ko baka tuluyan na along napagnakawan. I’m glad I have Pebbles to protect me.

Nagtataka po siguro kayo kung bakit nakwento ko ito sa inyo, Tay. Kasi po nakita ko po itong presidential guard dog niyo.

Si Coleen. Hindi po ba kayo naawa sa kanya?  Halos baluktot na po ang katawan. Ang liit ng kulungan! Di po ba sya ang nagguguard sa inyo tuwing may lakad kayo? Dapat po inaalagaan niyo siya. Kung kayo kaya ang ikulong sa kwartong di man lang kayo makatayo sa liit? Sana po mabigyan niyo ng instructions ang mga nag aalaga sa kanila. Ang cruel niyo po sa animals.

Balita ko po, kulang pa kayo ng presidential dogs. Wag na po kayong kumuha, nandiyan naman po sila Ate Mocha, Ate Alantroy Thinking Pinoy at mga kasamahan nilang political marketers, na handa pong tumahol.. este magtanggol sa inyo.😏

Tatay, sana maawa kayo kay Coleen. Alagaan niyo po siyang mabuti kasi ang pag aalaga niyo po sa kanya is a reflection kung anong klaseng tao kayo.

Against sa Animal Cruelty,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *