President Duterte and The Tsuwariwariwap

Dear President Duterte,

Lumabas na pala ang total travel cost niyo last year. Pero kulang pa ng dalawang info, yung travel niyo sa Cambodia at Hongkong. Ang total cost ng travel niyo po ay,

P501,000,000.00. Sabi po ng mga tauhan niyo po sa gabinete, ang kapalit daw ay “the country gained at least $38.6 billion, or almost P2 trillion, in investment pledges, loans and private corporate deals, according to administration and official records.”

Himayin po natin ha.

Investment Pledges : Ibig sabihin, wala pa?  Kumbaga drawing palang. Dapat hindi sya sinabi sa computation kasi wala pa namang nangyayari. Wag bilangin ang sisiw habang ang itlog ay hindi pa napipisa, right?

Private Corporate Deals: Saan po yan nakarecord? As of July 2017, investors are scared. Resibo.

And yung sector na pinagkukunan natin ng workforce ay down sya by 35%. Resibo.

BPO industry ay nagiging malamya din. Habang umaatras ang mga investors, lumalaki naman ang deficit ng gobyerno.  Resibo.

Loans: Eto totoo to kasi unti unti na tayong nalulunod ng utang from China. Resibo.

10 years natin babayaran yan. Hindi pa nga tayo tapos magbayad sa mga ninakaw ng mga Marcos, umutang uli kayo ng sandamakmak.

Kung talagang maganda ang return of investment gaya ng sinasabi niyo, bakit ang laki na ng deficit natin? Resibo.

A deficit occurs when government’s expenditures exceed the revenue that it generates. Sobra-sobra po ang gastos niyo compared sa kinikita ng gobyerno.

Bakit kasi kailangan niyo magsama ng sangkaterbang tsuwariwariwap? Like Sandra Cam, Robin Padilla, Phillip Salvador, Rommel Padilla with the monkeys and the donkeys.

Isipin nyo yung trip niyo sa Russia nagcost ng more than P60,000,000.00? Ilang evacuaees na sana ang mapapakain niyan sa Marawi. Puwede na sana yan pagkuhanan ng budget sa Free Tertiary Education Law. Puwede na sana yan pandagdag na pondo sa calamity fund na binawasan niyo ng almost kalahati. Resibo.

Binawasan niyo ang calamity fund pero dinagdag niyo naman sa DPWH para sa pork barrel? E di wow?

Tanong ko lang, bakit madami kayong sinasama na alalay sa mga travel niyo? Ano ang purpose ni Sandra Cam? Masahista? Taga timpla ng kape?  Taga picture? Thinking Pinoy was in Russia too, wala namang connection sila sa mga investor doon.

Mr. President, sana naman matuto kayong magtipid. Bakit ba parang trip na trip niyo mag around the world? May humahabol po ba sa inyo?  Kung anuman yan, sana maabutan na kayo para hindi na niyo na wawaldasin ang pera ng bayan sa mga junket.

Baka, pagtapos ng termino niyo, (kung hindi pa kayo mategi) hindi na namin makilala ang Pilipinas sa walang pakundangan na pagwawaldas niyo. Baka magaya na sa Venezuela.

Yamot sa Matandang Waldas na Buraot,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *