President Duterte, Maawa kayo sa mga Teachers

Dear President Duterte,

Madami po kayong supporters na guro. Binoto ka nila kasi sabi mo dodoblehin mo sweldo ng mga teachers. Pero malapit na kayong mag isang taon, ni anino ng doble na sweldo wala pa din.

Tapos ngayon ang hiling nilang increase sa chalk allowance, nanganganib pang hindi matuloy, kasi tinututulan ng administrasyon mo. Akala ko ba mahalaga sila? Bakit mo sila pinapabayaan?

Ang chalk allowance ng mga teacher ay importante sa kanila yun. Ngayon 2500 ang chalk allowance nila, humihingi sana sila ng increase to 5000, hindi naman yan buwan-buwan mong ibibigay. Pero sa kakaramput na hiling nila tinututulan pa ng Secretary of DBM mo. Hindi na kayo naawa sa mga teachers. At ang nakakatawa pa ang reason ng pagtutol kasi daw white board na ang gamit, hindi na chalk. Luh, siya ginawang literal ang meaning ng “chalk allowance “.

For your information po, the annual “chalk allowance’ is used by teachers to pay, not just for chalk, but for other teaching supplies required in the classroom everyday, and which government does not provide them. Sample po yung mga visual aids na ginagamit at mga teaching materials na nakikita niyo sa classroom.

Kaloka kayo ha, yung budget ng opisina ni Andanar milyon milyon, tapos palpak naman ang trabaho.

Yung travel junket niyo milyones ang gastos, samantala wala namang kwenta ang mga kasama niyong iba. Puro tsuwariwariwap lang naman.

Yung increase na chalk allowance ng mga teacher na nagtatrabaho para sa kinabukasan ng kabataan, ayaw niyo pang ibigay. Anong klaseng pag priority yan?

Bat hindi nyo na lang bawasan ang sweldo ng mga trolls at ibigay niyo na lang sa mga teachers?  Ayusin niyo nga priority niyo. Mahiya kayo sa mga teachers. Kung hindi dahil sa kanila wala kayo sa estado na kinalalagyan niyo ngayon.

Anak ng isang Guro,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *