Pondo ba kamo?

Dear President Duterte,

Ngayon na napirmahan niyo ang Free Tertiary Tuition Act, mukhang kamot ulo po kayo kung saan kukunin ang pondo, ano po?  Hindi naman kasi priority niyo ang education,  kasi di ba nga hindi niyo nilagay sa 2018 budget?  Napilitan lang po yata kayong pirmahan kasi sa takot niyo baka kayo batikusin ng mga tao.

Anyway good job pa din kasi pinirmahan niyo. Ngayon kailangan niyo ng 16 billion every year para sa batas hindi po ba?

Tulungan ko po kayong maghanap. Eto po ang suggestion ko.

1.

Bawasan niyo po ang travel junket niyo na kasama ang sandamakmak na tsuwariwariwap. Sabihin niyo sa mga kasama niyo na iiwan ang mga kabit nila.

2.

At matuto po kayong mag stay sa isang lugar. Kung sa Davao, Davao, kung sa Manila, Manila. Yung pabalik balik niyo ay nagkakahalaga ng almost half a million eh.

3.

Bawasan ang Intelligence fund ng Congress,  yung iba naman kasi sa kanila walang intelligence, sayang ang pondo.

4.

Bawasan ang Tokhang budget, dami nang pinatay pero everytime nag speech kayo dumadagdag. Ano kaya yun.

5.

Tanggalin niyo ang mga kamag anak incorporated, yung mga department head na halos buong pamilya nasa department na. Gaya ni Cesar Montano at Martin Dino.

6.

Tanggalin niyo na ang troll network at ang mga pinapasweldo niyong political marketers. Tanggalin niyo si Andanar at Mocha wala naman silang mabuting naidudulot sa inyo, puro lang kapalpakan at pamemeke ng post. OK na si Abella, kaya niya nang pagtakpan ang mga kakulangan niyo.

7.

Wag maghire ng mga walang kwentang consultant, gaya ni Thinking Pinoy. At kumuha ng mga Undersecretary na wala namang ginawa kung hindi magbakasyon.  Kasiraan sila sa administrasyon niyo.

Ayan po ha, sobra sa 16 billion ang makukuha niyo dyan. Wag na kayong magpasalamat, libre consultation fee na yan. #ParaSaBayan

Bagong Adviser ni Duterte,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *