Pinatay Niyo na, Binalahura niyo pa ang Alaala

Dear DDS Political Marketers,

Hindi na ito about sa politika. This is about decency and humanity na.

No one is using age as an excuse Krizette Chu. Napanood mo ba ang video, kinaladkad nila ang bata. Baliktad sa sinabi nilang nanlaban. 13,000 na ang namamatay,  31 ay mga kabataan, politika pa din ang iniisip mo. Wala kang puso. Bakit kung nangyari na before ang isang mali, ibig bang sabihin hindi na lang kikibo? Hahayaan na lang dumanak ng dugo? Ikaw yata ang nakakulong sa Digong bubble eh.

At ikaw naman Bruce Rivera, may pangalan siya, KIAN Delo Santos po.

Wag mo syang gawing nameless sa libo libong namatay.  Hindi siya sa drug trade, matinong bata ang pinatay niyo. Outrage ka, bakit ayaw mong sisihin ang mga pulis? Wag mong ijustify ang ginawa nila kay Kian, just because may mga minor na nasangkot sa drugs.

At kayo namang mga pulis, magpapalusot pa kayo, ilalabas niyo to ngayon lang?

August 16 niyo pinatay, Aug. 20 niyo nilabas ang testigo? Sinong niloloko niyo? Hindi nagsisinungaling ang CCTV. Ilang pekeng testigo man ang ilabas niyo, hindi magbabago ang katotohanan na pinatay niyo siya na parang hayop.

Pinatay niyo na siya, gusto niyo pang balahurain ang iniwan niyang alaala.

Galit sa mga asal Hayop,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *