Pinasa Na Ni Acosta Ang Sisi Sa Iba

Dear Aling Persida,

55 na ang namatay dahil sa pagcreate mo ng vaccine scare sa buong bansa. Tapos eto pa ang sasabihin mo?

Una, huwag mong ipasa ang sisi. Anong pinagsasabi mo na 1 year old and 1 year and 3 months na dapat magpabakunahan ng measles vaccine? Huy, 9 months palang puwede na. Pag may epidemic puwede as early as 6 months.

 

So pasok sa sinasabi niyong one year na kayong nagkakalat ng fake news. Ikaw talaga ang dapat sisihin. January mo ito napost.

Sobra na one year kayo nagkakalat ni Thinking Pinoy ng kasinungalingan.

Pangalawa, anong hindi kinampanya? DoH tried their best na pigilan ang pagkakalat mo ng ignorance.

Pangatlo, anong hindi nag bahay-bahay?

Nakakahiya naman sa mga BHWs, sa mga taong nagtatrabaho sa primary care level, sa tireless efforts ng health care workers na i-promote ang EPI or Expanded Program on Immunization.

Ang mga BHW natin naglilibot yan para magturo about sa kalusugan at kahalagahan ng pagbabakuna.

Kaya lang, since ikaw at Thinking Pinoy, kasama ng mga trolls ay gumawa ng Dengvaxia scare sa social media, mas maraming mga magulang ang takot magpabakuna.

Hindi ka na nakonsensya sa pagmamaliit ng kahalagahan ng pagbabakuna, pati trabaho ng mga health workers minamaliit mo pa. Tse!

This is all on you. Dugo sa kamay mo.

Galit sa mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *