Pinanindigan Talaga ang Katangahan

Dear Ate Mocha,

Talagang unlimited po kayo no? Huwag niyo sanang araw arawin. Nagpost ka po nito. Resibo.

 

 

Una, may tanong ako, ano po ang “Writters”?  Writers po yata ang gusto niyong sabihin.

At saka ano ang “Guest What? Resibo.

Baka po “Guess what”. Walang spelling check ang computer niyo po? Luh, grabe sya oh, sa spelling palang nagkakatalo na tayo.

Sa dinami dami ng mga sinabi mo, may nakalimutan kang sabihin na yun ang pinakaimportante. Eto ha, tuturuan kita uli, libre uli to.

Rappler – Journalist          Mindavote – Blogger

Yun po ang pinakamalaking kaibahan na syempre sinadya mong makalimutan. At naku ha, kung maka pag basura ka sa ABS-CBN, Inquirer at Rappler, wagas. Resibo:

Bakit Teh, kaya mo ang ginagawa nila? Kung may sumisira man sa imahe ng Pilipinas ang EJK na kinukunsinti ng Poon mo at ang Fake News proliferation na pinapamunuan mo. Bago ka mamintas, mag aral ka muna mag post ng totoong balita. Tse!

Oo nga pala, kailangan mo ng ointment, kasi mukhang masusunog ka na naman sa pahayag ng Malacañang Press Corps, Corps ha at hindi Corp. Resibo.

Di ba tama ako? Independent sila, at hindi under ng PCOO or any other government agency. In other words, “neknek mo”.

Huy, 2 consecutive days na ang pagsunog sa iyo, kaya pa ba? Gamitan mo yan ng aloe vera, para gumaling agad.

Imbyerna sa Nagmamarunong na Palaka,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *