Pinangaralan Ni Pilo Hilbay Ang Presidente

Dear President Duterte,

May mensahe si Pilo sa yo.

Sa dami ng mga pagbabantang ginawa ng Pangulo na tanggalin ang karapatan ng mga Pilipino, ipakulong ang mga kritiko, at alisin ang demokrasya sa bansa – awa at tawa na ang nararamdaman ko.

Naaawa ako kay Panelo at sa mga opisyales niya sa Malakanyang na hindi na naman siguro nakatulog, dahil kailangang pag-isipan kung anong “paglilinis” ang gagawin nila sa kalat ni Duterte. Natatawa rin ako kasi minsan sobrang labo na ng interprestasyon nila sa mga sinabi ng Pangulo, parang ubos na ang utak nila.

Naaawa rin ako kay Pangulo, kasi tuwing nagwawala siya sa onstage, iyon ay dahil kailangang pagtakpan ang kapalpakan at pangungurakot ng kaniyang gobyerno, o ilihis ang mga seryosong alegasyon sa kanya, at sa kaniyang pamilya.

Tuwing magsasabi siya ng mga bagay na walang kabuluhan, parang ginagawa na lang niyang punching bag ang sarili niya para pagtakpan ang mga eskandalong ito.

Pero, ipapaalala ko lang sa kaniya: Mr. President, eventually, people will get tired of seeing you as the joker, and will see you as a joke.

Nung last time na sinuspend ang Writ of Habeas Corpus, hindi ho Malakanyang ang nanalo sa huli, kundi ang tao. Diktador lang ho ang magsususpend ng Writ of Habeas Corpus, at sa Pilipinas, ang diktador ay pinapalayas.

#37PiloHilbay
#HilbaySaSenado☝️

In short huwag mo kaming takutin, joker ka!

Yamot Sa Mga Diktador,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *