Pinagbantaan Na Naman Ni Duterte Ang Mga Pari At Obispo

Dear Katolikong DDS,

Hanggang kailan niyo hahayaan babuyin ni Duterte ang Diyos?

Noong Feast of Black Nazarene of Quiapo sobra sa milyon ang mga nag-prusisyon.

 

 

Pero balewala ang panata kung patuloy kayong nanahimik sa patayan sa pambabastos at ngayon naman sa pambabanta sa mga pari at obispo.

 

 

Ilang pari na ang namatay sa karahasan. Papano kung totohanin ng mga tambay ang kanyang sinabi? Maisasalba ba ang buhay pag sinabi niyang “joke lang”?

Paano niyo natitiis magsimba Linggo-Linggo samantala patuloy kayong nanahimik sa pambabalahura ng presidente sa Diyos na hinihingan niyo ng biyaya?

Paano niyo nakukuhang manahimik sa mga pagbabanta sa buhay ng mga pari kung saan kayo nangungumunyon?

Ang Katoliko ang may pinakamaraming miyembro ng simbahan sa bansa, pero ang iba sa kanila tahimik sa paglalapastangan sa kanilang pananampalataya.

Sino ba ang mahalaga, a presidente o ang Diyos?

 

Ipagtatanggol Ang Panginoon,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *