PILOsopong Matino, Para Sa Pilipino

Dear KaPAB,

Eversince na nagfile si Atty. Hilbay kandidatura nakita ko kung paano siya naglibot sa buong Pilipinas para magpakilala.

 

 

Hindi naman lingid sa lahat na limitado lang ang pondo na mayroon sya. In fact yung iba supporters ay sila na nagpiprint at nagpapagawa ng campaign materials. Wala siyang private jet or helicopter gaya ng ibang kandidato. Sa totoo lang minsan nagbabus lang siya pag sobrang mahal ng ticket.

KaPAB, kailangan natin ang isang Atty. Hilbay sa Senado. Mula sa simula alam, namin na taong-bayan ang magiging priority niya. Mula sa karapatang pantao hanggang sa teritoryo, pinakita niya ang pagmamahal sa mga Pilipino.

Ngayon ang daming nagmamaliit sa iyo, kasi daw sure naman na hindi mananalo kasi wala daw pera at hindi kilala.

Pero alam niyo, kung magtulong-tulong tayo sa pagpapakilala sa kanya sa ating mga kakilala, kaibigan at kamag-anak, puwede natin syang maipanalo. Tayo, ang taong bayan ang magiging makinarya ni Pilo.

Pagdating sa pera, kung kakayanin natin magdonate ng kahit 50-100 bawat isa every month, malaking tulong na yun para sa kanya.

Patunayan natin sa mga trolls, na kapos man tayo sa pondo, kaya nating magdala ng isang ordinaryong tao sa Senado.

Sa part ko, bubuksan ko na ang alkansiya ko para may maitulong ako. Sa 100 monthly, 500 sa limang buwan, hanggang election na yun. I am sure ang iba sa atin kaya magbigay ng higit pa doon.

Yung mga gustong tumulong, message me, para maiconnect  ko kayo sa Team Pilo.

Kapit kamay tayo, ampunin natin si Pilo, ipanalo natin si Pilo.

Walang imposible pag tayo ay magkaisa.

 

Isang Supporter,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *