Pilo, Bilang Isang Ordinaryong Tao

Dear KaPAB,

Alam kong alam niyo na Top 1 si Atty. Florin Hilbay sa Bar noong 1999.

Pero hindi niyo alam ang istorya kung paano sya nagsikap. Si Atty. Florin ay tubong Tondo. Anak ng isang kasambahay at mensahero.

Lumaki sya sa payak na bahay na ito sa Tondo.

Nagsikap na makatapos sa college at nagtrabaho.

Hindi biro ang pag aaral ng law habang nagtatrabaho. Pero nagsumikap sya at laging nasa top 30 ng class.

Pag Bar review yung ibang mga nakakaluwag sa buhay ay nakahotel yan, para makapag-aral ng mabuti. Pero si Pilo umupa ng maliit na apartment malapit sa review center. Nag-review habang nagtatrabaho. Sa isip niya wala syang pang review uli, he can’t afford to fail.

Nag-aral ng maigi. Ayun, nag top 1 sa bar. Naging magiting na abogado.

Yung istorya ni Pilo ay istorya ng bawat Pilipino na nagsusumikap habang hinaharap ang hamon ng buhay.

Isang inspirasyon sa bawat taong nangangarap sa kabila ng kahirapan.

Kahit abogado na si Pilo, tumutulong pa din siya sa iba para maabot ang pangarap nila. Gaya ng testimony na ito ng isang netizen.

Galing ito sa estudyante niya dati sa UP.

Gaya ni Pilo nangarap din si Victor na makapasok sa Yale University. Mahirap kumuha ng solid recommendation letter. Pero tinulungan siya ni Pilo.

Para kasi kay Pilo, anuman ang kasarian ng bawat isa dapat magkaroon ng equal opportunity sa mundong ginagalawan natin.

Eto ay testimony ng ordinaryong netizen kung gaano kalaki ang puso ni Pilo.  Kailangan natin ang ganitong tao sa Senado.

Isang boto para Kay Pilo, isang boto para sa sa kinabukasan mo.

TAPANG NG TONDO. TAPANG NG PUSO.

Isang Supporter,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *