Pilipino ako at si Leni Robredo ang VP ko

Dear KaPAB,

Today I attended sa mass para kay VP Leni. Start na ngayon ng recount sa VP votes. Lahat nagdadasal para hindi manaig ang kadiliman.

Hanggang ngayon, hindi pa rin maka move on si Bongbong Marcos sa pagkatalo niya. Gumagastos sa propaganda at Social Media strategist.

Araw-araw sinisiraan si VP mula sa pananamit niya hanggang sa pagkababae niya. Mula sa pagiging pangalawang pangulo hanggang sa pagiging ina. Binastos ang alaala ng asawa niya, binully pati mga anak niya. Ganito gumalaw ang mga kalaban.

Huwag nating hayaang maghari ang kadiliman gaya noong Martial Law era. Na habang nagugutom ang ating mga kababayan.

Yung iba naman nasa ibang bansa nagpapakasasa sa pera ng bayan.

Sama sama tayong magdasal at magbantay. Sa panahon ng kadiliman si VP Leni ay isa sa mga liwanag na ating kinakapitan.

Sabi nga ni Atty. Macalintal kanina, hindi pulitiko si VP Leni, isa syang public servant. Public servant na kahit kaliwa’t kanang pambabastos, ginagampanan pa din ang trabaho.

Kahit nasasaktan na at nadadamay na pati mga anak niya, nagsisilbi pa din sa bayan.

Sa puntong ito kailangan nating magkaisa to protect her.

#LabanLeni

Tuloy ang laban,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *