Pilipinas, Kaya pa ba?

Dear Filipinos,

Nakikilala niyo pa ba ang bansa natin? Kaliwat kanan na ang patayan. Noong nakaraang araw sa Bulacan.

32 na ama, anak, kapatid at kaibigan ang nanlaban kaya daw pinatay, pero kayo naniniwala ba kayo na lahat sila nanlaban? Ilang gram ng shabu ang nakuha?  100grams? 200 grams?  Kapalit ng 32 na buhay? Samantala yung dahilan sa pagpuslit ng 650kg na shabu ay buhay pa ngayon.

Kunwari hinuli si Kenneth Dong, sa kasong rape. Ang existing warrant of arrest ni Kenneth Dong ay 2016 pa. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ngayon lang sya inaresto sa kasong rape? Sa dami ng pictures niya sa mga kilalang personalidad ay hindi pa din sya nahuli ng NBI.  Ngayon naman may bagong pahayag si Secretary Aguirre  na gagawin daw state witness si Kenneth Dong, para saan para maproteksyunan si Paolo Duterte? Pinagloloko na tayong mga Pilipino pero ang iba parang mga baliw no troll na pumapalakpak pa din.

Ang nakakalungkot pa nito ay hindi man lang nakaramdam ng awa ang pangulo ng  bansa na si Duterte. Eto ang kanyang sinabi.

Mad Duterte

Paano niya masasabi na ang pagpatay ay makakasolve ng problema eh noong nakaraang araw kasasabi niya palang na hindi kayang masolve ang problema sa bansa?

After niyang sabihin to ang Manila Police nagpasikat din.

25 ang namatay sa one time big time daw na operation. Lahat din ito nanlaban.

Parang mga hayop lang ang buhay ng tao. Pero wag nating kalimutan ang 650kgs na shabu. Wag nating hayaan patayin at tabunan ang issue ng kaliwat kanan na patayan.

Rodrigo Duterte, Paolo Duterte, BOC

Para na tayong slaughter house. Mga mahihirap pinapatay pero ang mga mayayaman binibigyan ng due process. Mahihirap death certificate ang binibigay pero pag mayaman kailangan may affidavit muna.

Kawawang Juan, nawalan na naman ng mahal sa buhay.

Kaya pa ba, bayan ko?

Naiiyak at Nalulungkot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *