Philippine Daily Inquirer, Anyare?

Dear Philippine Daily Inquirer,

Nabasa ko palang sa website niyo ang link na to.

https://entertainment.inquirer.net/319596/watch-mike-de-leon- slams-duterte-in-kangkungan-urges-public-to-vote-wisely?fbclid=IwAR3xCuf4ZbYvpZNjO3ZfRqpXTNc16TJaZOAYaihC6hTEUSd-8AgPxsYfk1I

Nafeature niyo ang video ni Direk Mike de Leon.

 

Tapos pagbalik ko sa link, tinanggal niyo na? Anyare? Natakot po ba kayo? May nagsabi po ba sa inyo na tanggalin?

 

Ilang Presidente na ba ang pinag-daanan ng Inquirer. Sama-sama kayong nagreport ng katotohanan about pang-aabuso at corruption.

 

 

Natatandaan niyo po ba noong panahon ni Erap na ginigipit din nila kayo?

 

 

Hindi kayo bumigay, you held the line then. Fearless news reporting, yun po kayo eh. Yan po ang Inquirer na alam ng bawat Pilipino.

Pagkatapos tanggalin ng Philippine Star ang Keng story at kayo, tinanggal niyo din ang story ng video ni Mike de Leon, I guess Rappler at ABSCBN na lang ang totoong malaya sa pagpapahayag.

Hindi ko po alam kung sino na po ang mga tao who call the shots now, pero sana po, wag po kayong magpapadala sa pera at pananakot. Sa panahon ng kadiliman sa ating bansa, ang pagrereport niyo ng katotohanan ang magsisilbing tanglaw ng bayang ito.

Ang takot nandiyan lang yan, pero kahit takot dapat lumaban pa din sa pang-aabuso.  Sa Ilang taon niyo sa media, you did not only survive but you also thrive. Ngayon pa ba niyo babaguhin ang prinsipyong bumuo sa pahayagan?

Kayo pa ba ang “Balanced News, Fearless Views” na nakilala ng taong bayan?

Nanlulumo,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *