Sri Lanka, Maldives, Sunod na ba ang Pilipinas?

Dear President Duterte,

Balita sa mga dyaryo na yung natural resorces ng bansa ang gagawin niyong collateral sa utang niyo sa China.

So anong PH natural resources ang sinangla niyo? Lawyer ka di ba? Alam mong labag to sa saligang batas.

Article VII, Section 21 of the 1987 Constitution says – “No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred to by at least two-thirds of all the members of the Senate”.

Kung meron na loan agreement na walang collateral tulad ng ibinibigay sa atin ng IMF at ng WB, okay lang kahit di i-concur ng Senado dahil papasok yun bilang isang Executive Agreement, pero as alleged by China na “nakasangla ang ating natural resource”, aba dapat concurred ng Senado. Yan ang Batas.

Treason yan. Kayo po ang kauna unahang presidente ang ginawang collateral ang natural resources ng bansa.

Gusto niyo bang magaya tayo sa Sri Lanka?

Ay magkaiba pala, kasi tayo even before pa dumating ang loan, pinabayaan niyo na ni Cayetano ang teritoryo natin. Ang dami na ngang structure po oh.

Matanong ko lang po, Mr. President, sa lahat ng structure na pinag gagawa sa teritoryo natin, nagfile man lang ba si Secretary Cayetano ng diplomatic protest, kahit sa one fourth sheet of paper man lang? Kahit like this lang oh.

May nalalaman pang drama ang spokesperson niyo.

Handang mamatay? Weh, di nga? Eh mag jetski hindi niyo nga magawa, mamatay pa. Pero kung gusto niyo talagang, mamatay ok lang naman po. Makikiramay na lang po kami.

Dami niyo pong drama, kairita. Gawin niyo po ng tama ang trabaho niyo, tapos.

Yamot sa Mga Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *