Pera-pera lang po ba, Secretary Tugade?

Dear Secretary Tugade,

First time ko pong sumulat sa inyo. Sabi ni President Duterte, ang kukunin daw niya sa gabinete niya ay the best and the brightest. So I assume na kabilang po kayo dun.

Dati po ang plano niyo para masolusyunan ang traffic ay cable car.

Sabi niyo gagayahin niyo ang Bolivia. Sabi nyo pa. “Pinag-aaralan ho yung detalye — maybe it’s technically not accurate on my part to be saying that… But suffice to say at the moment that it is seriously being looked into. Alam niyo ho ba kung bakit? Ang sabi ho sa’kin longest ay one year and six months, operational [na ang cable car],”

Anyare po?  Hindi niyo pinag -aralan kasi kung totoong pinag aralan niyo po, you will realize na hindi po pareho ang terrain ng Bolivia at ng NCR.  So yung plano niyong cable car medyo hindi angkop, ano po?

Sir, hanggang ngayon traffic pa din, mas lumalala pa. Yung MRT natin kung dati twice a day ang sira ngayon umaabot ng 4x a day minsan.

Tapos nabasa ko po itong pahayag niyo tungkol sa problems between Uber, Grab and LTFRB.

Medyo nabother po ako. Ano po ang ibig niyong sabihin kailangan magbayad sila sa tax, or gusto niyong makihati sa kinikita nila? Kung tax po ang tinutukoy niyo po last 2015 pa po Bureau of Internal Revenue (BIR) issued guidelines for the taxability of TNCs, such us Uber, GrabTaxi, their partners/suppliers and similar arrangements. It is under Revenue Memorandum Circular (RMC) 70.

Wag po kayong mahiyang magbasa Sir, libre po yan.

Kung ang tinutukoy niyo naman po na gustong makihati ng gobyerno sa kinikita ng Uber at Grab, bakit po?  Hindi naman nila kasosyo ang gobyerno eh. Private company po sila. Sa kakarampot na kinikita ng mga Uber/Grab drivers gusto niyo pang makihati? Aba naman, hindi po tama yan. Yung tax na binabayaran nila yun po ang share ng gobyerno. Bakit po Sir, sa libo libong taxi units ni Bong Suntay na BFF ni President Duterte, may share po ba kayo sa kinikita nila? Parang wala naman di ba?

Pinag iinitan niyo ang Uber/Grab drivers eh hindi naman sila problema.

Asikasuhin niyo po ang traffic at ang MRT, malapit na po ang tag ulan. Problema na naman yan. Puro pera at pagkakakitaan ang iniisip niyo tapos junket naman kayo ng junket.

Maawa kayo kay Juan, kandakuba na sa pagtatrabaho para makabayad sa buwis para maipasweldo kay Ate Mocha at may pang junket kayo.

Inis sa Tamad Magbasa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *