Pera ni Juan, Winaldas na Naman

Dear Secretary Andanar,

Kinukulang po ba ng delikadesa sa office nyo?  Or talagang wala lang kayong pakialam sa pera ng bayan?

Nung nakaraang linggo si Asec Mocha. Naghelicopter mula Manila papuntang Clark, eh puwede naman mag kotse para makatipid sana.

Ngayon naman, kasasabi palang ni President Duterte na magtipid. Dapat daw economy class ang ticket niyo sa eroplano.

Tapos etong isang asec. mo, Secretary Andanar, nag post pa.

Anyone na nakasakay na sa international flight, alam na business class ang ticket na binili niya.

Kita mo ang lapad ng ngiti ni Asec. Mon Cualoping. Ikaw ba naman nasa business class.  Sana habang iniinum niya ang wine sa business class na yan, maisip niya na ang mga taga Marawi ay kumakain na lamang ng dahon para mabuhay.

Secretary Andanar,  baka naman puwedeng tubuan ng konting hiya ang opisina niyo?

Lagi na nga kayong palpak, kayo pa ang sobrang magwaldas ng pera ng bayan! Milyones pa ang unliquidated cash advance ng office niyo.

Alam niyo po, ang bayan ni Juan hirap na hirap na. Pero ang opisina niyo po, winawaldas ang pera ng bayan sa mga junket at business class trip. Delikadesa na lang sana.

Galit sa Makakapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *