PCOO Humirit Ng Mas Mataas Na Budget

Dear Secretary Martin Andanar,

Kumusta po office niyo? Balita ko po mas maraming yumaman sa mga senior employee niyo last year.

 

Akalain mo yun? 85% increase si Ms. Lorraine Badoy. Ang saya naman sa office niyo. Pasyal-pasyal sa US at Europe lang. Truth Caravan daw.

 

Akalain mo tatlong PCOO officials pumunta ng US para sa  Truth Caravan tapos P1,700,000.00 ang gastos?

Tapos Caravan uli papuntang Europe naman, P1,700,000.00 uli ang gastos. Sarap mamasyal no?

Tapos ngayon humihingi kayo Ng dagdag budget?

 

 

Bilyones na budget! Nakapili na ba kayo ng bansa na pupuntahan niyo sa Caravan? Puwede din sa Alaska, puntahan niyo ang Northern Lights at doon kayo mag Truth Caravan. Eto ang globe sir, spin niyo na para sa susunod na pupuntahan niyo.

 

 

Huwag niyo ng isipin ang naghihirap nating magsasaka, huwag niyo ng isipin na hindi mabili ng NFA ang mga ani nila sa tamang presyo kasi kulang sa budget ang ahensiya.

 

 

Hayaan niyo silang magutom. Ang importante may dagdag budget kayo. More funds, more travel more fun di ba?

Eh ano naman kung kulang ang classroom ang importante mas maraming caravan ang magagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Huwag na kayong mahiya, gawin niyong lima or sampu ang magtatravel para mas masaya. Hindi naman uso ang hiya sa administrasyon ni Duterte eh.

Pakapalan is in!

 

“Bilib” Sa PCOO,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *