Nanalo sa Fake News, Nagpapatuloy sa Fake News

Dear Catholic friends,

Dati po akong Katoliko, now Born Again Christian na po. Ginagalang ko pa din ang religion na pinanggalingan ko po.

Like what I said before this election is the most divisive. Yung mga political propagandists ay paulit ulit na binabastos ang simbahan. Everytime po na hindi sumasang ayon ang mga kaparian sa mga nangyayaring patayan, laging ginagawan ng Black Propaganda ang simbahang katoliko. Recently yung masaker sa Bulacan, ginamit na naman ng mga fake news website para mag imbento ng kwento para siraan ang mga pari.

Ayun sa fake news sinabihan daw ng CBCP ang ama ng biktima sa bulacan massacre to forgive and forget.

Pinabulaanan po ito ni Cardinal Tagle.

Sa mga katoliko ang laban sa fake news ay hindi laban lang ng kaparian. Laban po ito ng buong bayan kaya I encourage you po na pag may mga kamag -anak kayo who shares fake news, call them out.  Oras na para magkaisa tayo na linisin ang social media.

Akala ko after election matatapos na ang pagkalat ng fake news, pero hanggang ngayon yun pa din ang nangyayari. Sabi ko nga “How you campaigned is how you governed ”

Nagsimula sa fake news, nanalo dahil sa fake news, ngayon nagpapatuloy sa fake news.

Catholic friends, defend your church. Kayo ang may pinakamalaking simbahan sa bansa natin, oras na para magkaisa sa paglaban sa fake news.

Born Again na Pinagtatanggol ang Simbahang Katoliko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *