Patong-Patong na Kasinungalingan

Dear Secretary Wanda,

Grabe kayo no. Hindi ko alam kung paano niyo nakakayang magsabi na hindi niyo alam ang 60 million na kinita ng kapatid niyo sa advertisement.

Kung wala kayong alam, bakit kayo nakapirma sa MOA?

 

Naka specify diyan na sa show ng kapatid mo ilalagay ang ads.

Ayan po sa baba nakalagay na sa Kilos Pronto ilalagay. Show ng mga kapatid niyo yan di ba? Huwag niyo sabihing hindi niyo yan alam bago pinirmahan? Nahuhuli po kayo sa kasinungalingan niyo. Pati yung lawyer niyo nagkakalat din ng kasinungalingan oh.

FERDINAND TOPACIO

Di ba nga nakalagay sa MOA? Tapos sabi pa ni Topaksyo, pinili daw ang show dahil sa high rating.

Luh parang hindi naman. Wala ngang nanonood sa show nila eh. Ni hindi nga nabanggit yung mga show ng kapatid mo sa Nielsen eh.

Mukhang sinungaling din ang nakuha mong abogado no?

BEN TULFO

Wala akong screenshot kasi ang haba ng kuda niya sa FB. Sabi daw wala ka daw kinalaman kasi PTV4 nakikontrata sa DOT, luh balik uli tayo sa MOA, pinirmahan mo di ba? Sino ba tumanggap ng checke? Di ba ang Bitag? Ibig mong sabihin sa halagang 60 milyon, hindi ka man lang nainform or napakape? At saka ano ang sinasabi niya na baka mainsecure ang ibang station pag lumipat sya? Nyek, di naman siya sikat. Sabi niya nakamura daw ang pamahalaan sa kanya? Parang hindi naman totoo.

Siya nga ang may pinakamalaking nakuha eh. Sa lagay na yan, nakatipid pa ba tayo? Asus.

ERWIN TULFO

Eto namang kapatid mong bastos, ang lakas makaiba ng topic. Kapalpakan niyo, sa Rappler ang tira?

Eto ha, pakisabi na lang sa bastos mong kapatid, na ang pinag uusapan dito ang isyu ng CONFLICT OF INTEREST, kasi nga magkakamag-anak kayo.

Una, hindi kapatid ni former Sec. Jimenez si Maria Ressa at hindi rin siya connected sa Rappler kaya walang conflict of interest.

At saka yung contract na yun klaro naman kung ano ang purpose.

Instead harapin niyo ang mga paratang sa inyo, sabay sabay pa kayong nagsisinungaling at nililihis ang isyu.

P60,000,000 pesos na pera ng bayan ang pinag uusapan dito, kung marami mang umaangal, kasi nga napunta ang pera within your family.

Hindi kasinungalingan or paglihis sa isyu ang kailangan ng bayan. Ang kailangan namin paliwanag at pagtama kung anuman ang mali.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *