Pati si Coco Martin Dinamay Ni Robin Padilla Sa Pambabatikos!

Dear KaPAB,

After magsorry daw, eto si Robin Padilla ay ayaw talagang tumigil sa pambabatikos. Pati si Coco Martin na walang ginagawa sa kanyang masama ay dinamay pa. May isang netizen na nagcocomment sa kanya sa IG na sana gayahin na lang niya si Coco Martin.

Walang masama sa comment at totoo naman na ginagawa yun ni Coco Martin na tulungan at bigyan ng second chances ang mga artistang wala ng trabaho. Pero mukhang minasama ni Robin Padilla ang sinabi ng netizen at ito ang naging reply niya.

Ayun siniraan bigla si Coco Martin at kunwari dinamay pa si John Loyd. Alam ng lahat na ibang dahilan ni Lloydie kung bakit pansamantala siyang namahinga sa showbiz.

Yung sinasabi niyang buhos tubig, eto ang sagot ng Isa sa mga crew ng Ang Probinsiyano.

“Coco does not maltreat his staff and crew. Yung buhos tubig ay matagal na nilang laro sa mga teleseryes niya, sinisiguro niya na may pagkakakitaan ang may crew kapag natatapos ang programa. Katulad ng 12 binigyan niya ng pedicab panghanapbuhay. Halimbawa si scarface, dating crew na binigyan niya ng pagkakataong maging artista.” 

In other words, imbento lang ito si Robin Padilla.

Hindi kagaya si Coco Martin ni  “Joaquin”  na pinapasuot ng bullet proof ang isang extra tapos saka babarilin, mas malala yun kaysa laro ng buhos tubig di ba? Lakas trip eh. 

May ibang artista din na mainitin ang nananapak ng fans tapos bibigyan na lang ng 50k para manahimik. Tapos pag hindi gusto ang script tututukan ng baril ang editor. Hindi ko lang alam kung kilala yun ni Robin. Doon dapat magalit siya.

Bakit idadamay si Coco Martin eh Wala namang ginagawang masama. Pinagtatanggol lang ni Coco ang ABS-CBN kasi mahal niya ang mga kasamahan niya dito at marunong siyang tumanaw ng utang na loob. Yung iba kasi INGRATO di ba?

Kung makabatikos si Robin para naman ang linis. Sino ba ang makakalimot  sa video na ito.

Yung lumapit na si Richard Gomez kay Robin Padilla para makipagkamay pero sinuntok pa rin. Asal sanggano no? Let’s not forget na naconvict siya before ng illegal possession of firearms.

Ang point lang dito kung sakali man pinagtatanggol ng ibang artista ang ABS-CBN, huwag na sanang siraan pa. Kung yung iba gustong humimod sa puwet ni Digong, gora lang. Kanya-kanyang prinsipyo iyan. Yung iba nga lang, wala ng prinsipyo.

Yamot Sa Ingrato,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *