Pati Mga Post sa Internet Tinitingnan ng ICC

Dear Netizens,

May kwento ako sa inyo about ICC. Akalain mo puwede palang kumuha ng ebidensya sa social media ang mga sinampang kaso sa kanila.

Sabi sa report nag issue ng warrant of arrest noong August kay Mahmoud Mustafa Busayf Al-Werfalli dahil di umano sa war crimes at pagpatay ng 33 na prisoners. Nakuhanan pala ito ng video at na post sa social media.

Guys, remember ha, 33 lang ang pinatay na nakuhanan ng video. How much more ang libo libo na namatay sa ating bansa na maraming video at pictures? Kaya importante ang mga video at litrato na nakuha ng mga netizens. Yun ang mga magiging resibo para makamit nila Kian, Carl Kulot at ang mga libo libo ng biktima ng Tokhang.

Puwede din palang magamit ang mga nadocuments ng international and local media.

Luh, ang dami daming resibo na galing sa media. Madadamay din kaya ang mga known influencer na nagtotolerate sa EJK?

Importante ang mga resibo natin para matulungan ang ICC sa investigation.

Tandaan, kung ang 33 na pinatay na post sa social media, nag issue ng warrant of arrest ang ICC how much more ang libo-libo?

Maghihintay ng Hustisya,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *