Pati Mga Kabataan, Idadamay Na

Dear President Duterte,

Talagang wagas ang kahayupan ng programa mo sa droga ano? Hindi na kayo nakuntento sa 33 na pinapatay araw-araw, ngayon pati mga kabataan hindi niyo paliligtasin.

Yung mga nasa grade 4 plano niyong idrug test? As young as 10 years old? Seryoso?

Anong klaseng panukala yan? Hindi niyo man lang ba naisip kung anong trauma ang maaring maidulot nito sa kanila?

Huy, palubog na ang ekonomiya. Hanggang droga na lang ang plano mo sa Pilipinas?

Yung mga drug lord nakakalaya pa din, 23,000 na ang namamatay, tapos ngayon pati mga grade school, isasubject mo pa sa trauma? Makonsensya ka naman!

Galit sa Malupit na Pangulo,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *