Pati Mga Celebrity Gustong Pagbawalan Ni Calida Na Magsalita!

Dear KaPAB,

Sobrang panggigipit na ang ginagawa ng rehimeng Duterte sa ABS-CBN network. Bukod sa Quo Warranto, may gag order pa.

Hindi lang media ang gustong patahimikin ni Calida. Sinama niya sa  gag order ang mga paborito niyong celebrity.

Ilang araw na binalahura ni Mocha at kampon niya ang ABS-CBN, gusto yata ng mga CHUWARIWARIWAP ni Duterte ay tanggapin na lang ng mga artista nila ang lahat ng panlalait.

Habang nagtandem si Mocha at Robin Padilla na balahurain si DJ ChaCha at Coco Martin, gusto yata ni Calida na tumahimik na lang ang mga Kapamilya stars.

Walang masama kung magsalita si Angel Locsin, Vice Ganda, Coco Martin, Regine Velasquez, Enchong Dee at marami pang iba. Hanapbuhay nila ang nanganganib, masama bang ipagtanggol nila Ito?

Unahin kaya muna ni Calida patahimikin si Mocha at Robin at isabay niya ang ibang DDS bloggers? Di ba? Tutal puro fake news naman.

Pag kampi kay Duterte unli kuda, pag kampi sa ABS-CBN, gag order? Huwaw!

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *